Sa Aking Pagtanda

Sa aking pagtanda..."
>
> Here's something to touch our hearts...
>
> "
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng
> kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
> kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang  matanda.
> Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako.
>

> Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi  mo,
> huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang  sinabi
> mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga  ako.

>

> Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang  tumayo,
> katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang  lumakad.
>
> Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at  paulit
> ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag  mo sana
> akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak  noong
> bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
> maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
> Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

>

> Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy  lupa.
> Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
> Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
> Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng
> kama kapag ayaw mong maligo.
>
> Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na   marah il ito
> ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
>
> Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit  sandali
> lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
> Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na
> sabik na akong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa
> mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong
> pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

>
>
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa  banig
> ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan.
> Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
> pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
> Tutal hindi na naman ako magtatagal.

>
>
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang  aking
> kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
>
> At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
> ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka
> sa iyong ama't ina..."